Juan 17:1-11 – Magandang Balita Biblia Idinalangin ni Jesus ang Kanyang mga Alagad 17 Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak upang luwalhatiin ka niya. 2 Sapagkat binigyan mo siya ng kapangyarihan sa lahat ng tao upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kanya. 3 At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo. 4 Inihayag ko dito sa lupa ang iyong kaluwalhatian; natapos ko na ang ipinapagawa mo sa akin. 5 Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon sa iyong harapan ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan. 6 “Ipinahayag ko na kung sino ka sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila’y iyo at ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita. 7 Alam na nila na ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo; 8 dahil ibinigay ko sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa akin, at tinanggap nila. Natitiyak nilang ako’y tunay na galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin. 9 “Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila’y sa iyo. 10 Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at naluluwalhati ako sa pamamagitan nila. 11 At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; iniiwan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila’y maging isa.
Sermon Description
================================================ MAIN POINTS ================================================
1. The Ideal Relationship of the Father and Jesus -> Jesus as an obedient son to the Father -> Jesus accomplished the mission that was given by the Father -> Jesus confessed the truth
2. Acknowledging Jesus as a Broker -> Jesus worked as a middle so we can receive the gift of salvation -> Without this act of great love of God, we can’t be save at all -> Jesus made the way so we may be accepted in heaven
3. United and Loyal -> Being Loyal and one with God are important aspects of Faith -> Let us give a deeper meaning of being Loyal to God by Choosing God over anything else -> As we are one with God, this should also be seen in us and with our relationship with our co-believers and others.