The Kingdom Lessons
- Sermon By: Pastor Owen Villena
- Categories: Sunday Message
12 Kinabukasan, nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na si Jesus ay papunta sa Jerusalem. 13 Kumuha sila ng mga palapa ng palmera, at lumabas sila sa lungsod upang siya’y salubungin. Sila’y sumisigaw, “Purihin ang Diyos.[a] Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Hari ng Israel!”
14 Nakakita si Jesus ng isang batang asno at sinakyan niya ito, gaya ng nasusulat,
15 “Huwag kang matakot, lungsod ng Zion!
Masdan mo, dumarating ang iyong hari,
nakasakay sa isang batang asno!”
16 Hindi ito naunawaan noon ng kanyang mga alagad. Ngunit matapos na si Jesus ay maluwalhating nabuhay muli, naalala nilang ganoon nga ang sinasabi sa kasulatan tungkol sa kanya, kaya’t gayon nga ang nangyari.
17 Ang mga taong kasama ni Jesus noong tawagin niya si Lazaro mula sa libingan at muli niya itong binuhay ay nagpatotoo tungkol sa nangyari. 18 At ito ang dahilan kaya siya sinalubong ng napakaraming tao—nabalitaan nila ang himalang ginawa niya.
19 Kaya’t nasabi ng mga Pariseo, “Nakikita ninyong walang nangyayari sa mga ginagawa natin. Tingnan ninyo, sumusunod sa kanya ang buong mundo!”
Hinanap ng Ilang Griego si Jesus
20 May ilang Griegong dumalo sa pista upang sumamba. 21 Lumapit sila kay Felipe na taga-Bethsaida sa Galilea, at nakiusap, “Ginoo, nais po naming makita si Jesus.”
22 Ito’y sinabi ni Felipe kay Andres, at magkasama silang nagsabi nito kay Jesus. 23 Sumagot si Jesus, “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao. 24 Pakatandaan ninyo: hangga’t hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito’y mamatay, mamumunga ito nang sagana. 25 Ang taong nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang taong hindi nagpapahalaga sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 26 Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroroon din siya. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.”
Sermon Description
1. The Kingdom Is Not of This World (vv. 12–15)
“Hosanna! Blessed is He who comes in the name of the Lord!”
The people expected a political Messiah to overthrow Rome, but Jesus came riding on a donkey—symbolizing peace, not war. His entrance shows that God’s Kingdom is not built by power or pride, but through humility and surrender.
Lesson: God’s ways challenge worldly expectations. His Kingdom begins in the heart.
2. Kingdom Glory Comes Through Sacrifice (vv. 23–25)
“Unless a grain of wheat falls into the earth and dies, it remains alone…”
Jesus speaks of His death as the path to glory. This paradox teaches us that fruitfulness in the Kingdom often requires dying to self—our ambitions, comfort, and control.
Lesson: True Kingdom impact comes not through self-preservation but through self-denial and sacrificial love.
3. Kingdom Living Requires Following Jesus Fully (v. 26)
“Whoever serves me must follow me… and where I am, my servant also will be.”
Jesus calls His followers to not only believe, but to walk in His footsteps—a life of obedience, suffering, and service.
Lesson: Kingdom citizens are marked by loyalty to Christ, even when the path leads through the cross.
